--Ads--

Kung may nakikita mang kakulangan si veteran Rachel Ann Daquis sa Farm Fresh, ito ay ang pagkakaroon ng karakter.

Isang halimbawa rito ay ang dramatikong panalo ng Foxies sa Capital1 Solar Spikers noong Huwebes sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Sa nasabing panalo ng Foxies ay humataw si Daquis ng 19 points bukod sa 13 excellent digs para sa kanilang 5-6 record at pumuwesto sa No. 6 sa knockout phase katapat ang No. 7 Akari Chargers.

Ito ang unang torneo ni Daquis matapos noong 2023 PVL Invitational Conference kung saan naglalaro pa siya para sa Cignal HD.

--Ads--

Sa iba pang playoffs matches, haharapin ng No. 1 Creamline ang No. 12 Nxled habang magtutuos ang No. 2 Petro Gazz at ang No. 11 Capital1.

Makakatapat ng No. 3 Cignal HD ang No. 10 Ga­leries Tower at sasagupain ng No. 5 Choco Mucho ang No. 8 Chery Tiggo.

Magsisimula ang anim na qualifying-round matches sa Pebrero 27 sa PhilSports Arena sa Pasig City.