--Ads--
Pinag-aaralan ng kampo ni Vhong Navarro ang mga legal na hakbang matapos iutos ng Court of Appeals ang pagpapalaya kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawa pa nilang kasamang akusado sa kaso ng serious illegal detention.
Ayon kay Atty. Alma Malonga, gagamitin ni Navarro ang mga remedyong pinapahintulutan ng batas habang sinusuri ang kanilang susunod na hakbang.
Noong Setyembre 25, binago ng Court of Appeals ang naunang hatol at iniutos ang pagpapalaya sa apat na akusado na hinatulan ng Taguig RTC Branch 153 noong Mayo 2024.
Samantala, sinabi ng Bureau of Corrections na hindi pa agad makalalabas sina Cornejo at Lee dahil bineberipika pa ang kanilang mga dokumento at sentence computation.
--Ads--











