--Ads--

Naglabas ng freeze order ang Court of Appeals laban sa mga ari-arian ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ayon sa kumpirmasyon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ngayong Sabado, Abril 25.

Ipinaliwanag ni Remulla na ang kautusang ito ay nagmula sa Court of Appeals base sa petisyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na siyang tamang proseso sa pagpapatigil ng paggalaw ng mga assets.

Ang hakbang na ito ay kaugnay ng ulat ng AMLC tungkol sa isang tanyag na mambabatas na idinadamay sa maanomalyang flood control projects.

Bagama’t hindi direktang pinangalanan ng AMLC sa kanilang ulat ang mambabatas, ang kanilang business associate, at ang sangkot na kumpanya, kinumpirma nilang sakop ng kautusan ang 25 bank accounts at 10 insurance policies na nakarehistro sa pangalan ng nasabing opisyal.

--Ads--

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag si Romualdez tungkol sa isyung ito.