--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang virtual na pagtatapos ng mga mag-aaral sa rehiyon ayon sa DEPED Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Amir Mateo Aquino sinabi niya na naging matagumpay sa pangkalahatan ang pagtatapos ng mga mag aaral sa rehiyon sa school year 2020-2021.

Aniya ang graduation at moving up ceremonies ng DEPED ay isinagawa mula noong lunes hanggang kahapon ngunit kung may mga hindi nakapagsagawa nito ay maaari namang palawigin  hanggang sa susunod na linggo.

Aniya napakaganda ng resulta dahil lahat ay tumalima ang lahat sa guidelines  na inilabas ng Central Office at  isinagawa na ang mga commencement exercises sa virtual o sa online.

--Ads--

Nilinaw naman ni Aquino na walang mass dropout na naganap sa rehiyon, aniya may mga tumigil man sa pag aaral ay dahil sa hindi na kaya ng pamilya at kanila pa ring hinihikayat ang mga ito na magpatuloy sa susunod na school year.

Iginiit niyang hindi nasayang ang taon ng pag aaral ng mga bata dahil napagtagumpayan nilang tapusin ang school year 2020-2021 kahit kasalukuyan pa rin ang pandemya.

Tiniyak niyang makapagpapatuloy ang lahat sa pag aaral sa susunod na pasukan na magsisimula sa ikalabing apat ng setyembre.

Aniya napansin din nilang tumaas ang bilang ng nag enroll para sa susunod na pasukan sa kanilang isinagawang early registration.

Ibig sabihin nito ay  dumami ang nagtitiwala sa kanilang Basic Education Learning Continuity Plan.

Aniya sa susunod na school year ay magkakaroon sila ng pagbabago o adjustment matapos ang nakaraang school year.

Nakita na ng kagawaran ang mga dapat ayusing problema kaya hindi na ito gagawin sa susunod na school year.

Sa kasalukuyan ang may labing isang modalities ang DEPED Region 2 at sa susunod na pasukan ay magdadagdag sila ng lima pa.

Aniya may karanasan na ang lahat sa nakaraang school year kaya maraming pagbabago ang magaganap.

Muli namang binati ni Information Officer Aquino ang mga mag aaral ng maligayang pagtatapos at tiniyak ang mas maganda pang pamamaraan ng pag aaral ngayong pandemya sa susunod na pasukan.

Ang bahagi ng pahayag ni Information Officer Amir Aquino.