--Ads--
Inihayag ni Vice President Sara Duterte na tinatanggap na niya ang mga naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaso ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam sa Netherlands noong Mayo 4, sinabi ni VP Sara na tinanggap niya ang sitwasyon at ipinaliwanag na batay sa kanilang pag-uusap ng mga abogado, inaasahan nilang itutuloy ng ICC ang kaso laban sa dating pangulo.
Dagdag pa niya, naniniwala silang hindi basta isasara ng ICC ang kaso dahil isa na lamang ito sa natitirang mga kasong hawak ng korte.
Tinanggap din niya ang kumpirmasyon ng mga sakdal laban sa dating pangulo at iginiit na malamang ay hahantong na ito sa paglilitis, kaya mas mainam umanong paghandaan ang trial.
--Ads--










