May hanggang Hunyo 1 si Vice President Sara Duterte upang magsumite ng sagot sa writ of summons kaugnay ng impeachment case laban sa kanya.
Kinumpirma ito ni Senate President Alan Peter Cayetano matapos opisyal na maihatid ng Senate Sergeant-at-Arms ang summons at kopya ng Articles of Impeachment sa tanggapan ni Duterte noong Mayo 20.
Kinumpirma rin ng Office of the Vice President na natanggap na nila ang mga dokumento.
Ayon kay Cayetano, may 10 calendar days si Duterte mula sa pagtanggap ng summons upang magsumite ng kanyang tugon sa impeachment court.
Aniya, dapat sana ay matatapos ang palugit sa Mayo 30, ngunit dahil natapat ito sa Sabado, hanggang Hunyo 1 na maaaring magsumite ng sagot ang Bise Presidente.
Noong Mayo 18, pormal na nagtipon ang Senado bilang impeachment court upang dinggin ang mga reklamo laban kay Duterte.
Samantala, sinabi rin ni Cayetano na kapag natanggap na ng prosecution panel ang sagot ng respondent, may limang araw naman ang prosekusyon upang magsumite ng kanilang reply, kung nanaisin nila itong gawin.











