Naghatid ng ikatlong medalya para sa Pilipinas ang women’s kata team matapos talunin ang Thailand, 4-1, sa bronze medal match ng 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Nagtala sina Samantha Emmanuelle Veguillas, Ysabielle Arrogante at Rebecca Cyril Torres ng scores na 7.8, 7.7, 7.9, 8.7 at 8.1 upang makuha ang apat sa limang boto ng judges.
Ayon kay Veguillas, malaking bahagi ng kanilang tagumpay ang pagtutulungan at tuloy-tuloy na training, habang sinabi ni Arrogante na nakatuon lamang sila sa kanilang performance anuman ang kalaban.
Binigyang-diin naman ni Karate Pilipinas president at Chef de Mission Richard Lim ang sakripisyo ng mga atleta sa kanilang paghahanda, kabilang ang pansamantalang pagtigil ng ilan sa pag-aaral at paglayo sa pamilya para makapag-focus sa training.
Ito na ang ikatlong medalya ng Team Philippines sa nagpapatuloy na Asian Games.











