Inanunsyo ni Yemen Presidential Leadership Council Chairman Rashad al-Alimi ang pagsisimula ng malawakang operasyong militar upang bawiin ang mga teritoryong kontrolado ng Iran-backed Houthi rebels.
Samantala, sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na walang military solution sa tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, ngunit nakahanda pa rin ang Tehran na ipagtanggol ang sarili laban sa anumang pag-atake.
Ayon naman sa UK Maritime Trade Operations o UKMTO, isang tanker ang tinamaan sa Strait of Hormuz, habang isa pang barko sa baybayin ng Yemen ang nag-ulat ng magkakasunod na pagsabog malapit dito.
Sa Gaza, hindi bababa sa tatlong Palestinian ang iniulat na nasawi sa pag-atake ng Israeli forces, kabilang ang anim na taong gulang na si Suha Mohammed Nasser. Isa ring lalaki ang iniulat na nasawi sa southern Syria.











