--Ads--

Aminado si dating Office of the Vice President special disbursing officer Gina Acosta na ₱500 milyon halaga ng confidential funds ng OVP ang kaniyang ibinigay kay Col. Raymund Lachica, na hindi umano bonded o accountable officer.

Sa Day 17 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Acosta sa pagtatanong ni private prosecutor Amando Ligutan na siya mismo ang nag-disburse ng pondo kay Lachica, na noon ay commanding officer ng Vice Presidential Security and Protection Group.

Binigyang-diin ni Ligutan na hindi umano pinahihintulutan ng 2015-01 Joint Circular ang ganitong paraan ng pag-release ng confidential funds dahil dapat itong ibigay sa mga duly designated at bonded na special disbursing officer o head of agency.

Nang tanungin ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero kung bonded officer si Lachica, sinabi ni Acosta na hindi ito bonded, ngunit siya pa rin ang accountable person at naghanda ng liquidation report.

--Ads--

Inamin din ni Acosta na wala siyang personal na kaalaman kung aktuwal na nakarating sa mga lehitimong recipient ang confidential funds, kabilang ang mga indibidwal na nakapangalan sa ilang acknowledgment receipts.