--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw sa lalawigan ng Isabela ang 11 panibagong kaso ng COVID-19 habang 19 naman ang nakarekober.

Sa abiso ng pamahalaang panlalawigan, 5 sa bagong kaso ang mula sa bayan ng Gamu, tig-dalawa sa lunsod ng Cauayan at bayan ng San Mariano habang tig-iisa sa lunsod ng Santiago at bayan ng Quirino.

Sa ngayon ay 178 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng 5 Returning Overseas Filipinos, 18 non-authorized persons outside residence, 16 ang health worker, 5 pulis at 134 ang local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi naman kinakailangan.

--Ads--