--Ads--

Libu-libong Palestino ang dumalo sa mass funeral para sa 112 katao na nasawi sa pag-atake ng Israel sa Sabra neighborhood sa Gaza noong Nobyembre 2023.

Kamakailan lamang nahukay mula sa ilalim ng mga guho ang mga labi ng mga biktima, dahilan upang maisagawa ang kanilang paglilibing matapos ang halos tatlong taong paghihintay ng kanilang mga pamilya.

Ayon sa mga opisyal ng Palestina, kabuuang 308 miyembro ng mga pamilyang Abu Sharia at al-Hasayna ang nasawi sa naturang pag-atake. Tinatayang 157 katao pa ang nawawala at pinaniniwalaang nasa ilalim pa rin ng mga guho.

Sinabi ng Palestinian Civil Defence na isa ito sa pinakamalalaking mass funeral na isinagawa sa Gaza mula nang sumiklab ang digmaan noong 2023. Nanawagan naman ang mga pamilya ng mga biktima na pabilisin ang paghahanap sa iba pang nawawala at ang rehabilitasyon ng Gaza.

--Ads--