--Ads--

Nagtapos na sa 45-araw na Basic Citizen Military Training o BCMT ang 120 reservists sa ilalim ng 501st Infantry “Valiant” Brigade, na magpapalakas sa hanay ng reserve force ng Philippine Army sa Northern Luzon.

Idinaos ang graduation ceremony ng BCMT “MASIDLAK-DIWA” Class 01-2026 noong Agosto 19 sa Poblacion, Bauko, Mountain Province matapos makumpleto ng mga kalahok ang pagsasanay sa mga batayang kasanayang militar, disiplina, pamumuno, pagtutulungan at pagmamahal sa bayan.

Naging panauhing pandangal si Brigadier General Darrell R. Bañez, Commander ng 501st Infantry Brigade, na hinimok ang mga bagong reservists na gamitin ang kanilang natutunang kakayahan at maging handang tumugon sa oras ng pangangailangan ng bansa.

Ayon sa Philippine Army, maaaring i-deploy ang mga reservists upang tumulong sa humanitarian assistance and disaster response operations, kabilang ang evacuation, relief distribution, logistics at seguridad sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency.

--Ads--

Maliban dito, magsisilbi rin silang karagdagang puwersa sa pagpapalakas ng territorial defense at pambansang seguridad.