--Ads--

Sa nalalapit na Araw ng mga Puso, lumalabas sa pinakahuling Social Weather Survey (SWS) na 14% ng mga Pilipino ang nagsabing wala silang love life—senyales na para sa ilan, maaaring malamig ang Valentine’s Day ngayong taon.

Batay sa survey na isinagawa noong Nobyembre 24-30, 2025, 14% ng mga respondent ang umaming wala silang romantikong relasyon. Bagama’t mas mababa ito ng 4 puntos kumpara sa 18% noong 2024, nananatili itong malaking bahagi ng populasyon na posibleng magdiwang ng Valentine’s nang mag-isa.

Samantala, 46% ang nagsabing sila ay “very happy” sa kanilang love life—ang pinakamababang naitala sa loob ng mahigit dalawang dekada—habang 40% naman ang nagsabing maaari pa silang maging mas masaya.

Isinagawa ang Fourth Quarter 2025 Social Weather Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na Pilipino sa buong bansa.

--Ads--