--Ads--
Labinlimang katao ang nasawi habang mahigit 50 naman ang nasugatan matapos ang magdamagang pag-atake ng Russia sa Kyiv at mga nakapaligid na lugar sa Ukraine, ayon sa emergency services ng bansa.
Sinabi ng State Emergency Service of Ukraine na nagpapatuloy ang operasyon ng mga rescue worker sa kabila ng mataas na panganib dahil sa posibilidad ng panibagong pag-atake.
Tinutukan ng mga pag-atake ang mga bodega at pasilidad para sa logistics sa rehiyon ng Kyiv. Nangyari ito ilang araw matapos iulat ng Moscow na may mga debris mula sa Ukrainian drone na bumagsak sa isang mataong beach sa katimugang bahagi ng Russia, na ikinasawi umano ng hindi bababa sa pitong katao.











