--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang menor de edad sa isinagawang anti-illegal drug buybust operation ng mga awtoridad sa San Fermin, Cauayan City.

Ang pinaghihinalaan ay 17-anyos, estudyante at residente ng Barangay 4, San Mateo, Isabela.

Pinangunahan ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang naturang operasyon at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.

Kapalit ng P1,000 ay nakipagtransakyon ang pinaghihinalaan sa pulis na nagpanggap na buyer dala ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang isang cellphone at ang buybust money na ginamit sa transaksyon.

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya sa lunsod para sa pagsisiyasat at kaukulang disposisyon.

Paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehesive Dangerous Drug Act of 2002) ang kasong kakaharapin ng pinaghihinalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jerry Valdez, intelligence officer ng Cauayan City Police Station, sa tulong ng mga nagbigay ng impormasyon ay napag-alaman ang paggamit at pagbebenta ng suspek ng iligal na droga.

Tatlong araw din nilang minanmanam ang pinaghihinalaan hanggang sa magkasa sila ng buybust operation.

Tinig ni PMaj. Jerry Valdez.