--Ads--
Sagingan kung saan itinapon ang bangkay ng biktima

CAUAYAN CITY– Nagsisisi ang isang lalaki matapos niyang patayin sa sakal ang kanyang live-in partner at itinapon ang bangkay sa sagingan sa Anonang, Cordon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj Richard Gatan, hepe ng Cordon Police Station na tumawag sa kanila ang barangay kapitan ng Anonang at ipinabatid ang pagkakatagpo sa sagingan sa bangkay ng isang babae

Nakilala ang biktima na si Maricar Ortiz, 18 anyos at residente ng nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Cordon Police Station na ang suspek na si Vinson Salazar, 24 anyos ay live-in partner ng biktima.

--Ads--

Inamin ng suspek sa mga pulis ang pagpatay sa biktima dahil sa away sa pera.

Galing sila sa isang kasalan at habang pauwi ay nag-away umano sila na humantong sa pagsuntok at pagsakal ni Salazar hanggang mamatay ang biktima.

Matapos malagutan ng hininga si Ortiz ay itinapon ni Salazar sa sagingan ang kanyang katawan.

Ang tinig ni PMaj Richard Gatan