--Ads--

Mabilis at maagap na rumesponde ang mga kasapi ng Sto. Tomas Police Station, katuwang ang BFP Sto. Tomas, sa isang sunog sa Brgy. Biga Oriental, Sto. Tomas, Isabela kahapon, Mayo 1, 2026 bandang alas-10 ng umaga.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat, at tumulong sa pag-apula ng apoy at paglikas ng mga residente. Dahil sa kanilang maayos na koordinasyon, mabilis na nakontrol ang sunog at napigilan ang pagkalat nito sa mga kalapit na bahay. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi, habang inaalam pa ang sanhi at kabuuang pinsala.

Pinuri naman ang mabilis na pagtugon ng mga awtoridad na nakatulong upang maiwasan ang mas malaking pinsala. Nagpaalala rin sila sa publiko na maging mapagmatyag at agad mag-ulat ng anumang emergency.

Nagpasalamat naman ang may-ari ng bahay sa agarang tulong ng mga awtoridad, na nagsabing malaking bagay ang kanilang mabilis na pagresponde at natiyak ang kaligtasan ng kanilang pamilya.

--Ads--