--Ads--

Pinadalhan na ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 18 na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.

Ayon sa ulat, sila umano ang nagsilbing bagman at security aides ni dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co.

Inihayag ng NBI Director na si Atty. Melvin Matibag na noong Miyerkules, Marso 11, pinatatawag ang mga nasabing Marines sa tanggapan ng NBI.

Una nang inatasan ng Office of the Ombudsman ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon, kabilang ang pagkakakilanlan, background, at kredibilidad ng mga ex-Marines.

--Ads--

Layunin ng NBI na malaman ang personal na kaalaman at partisipasyon ng mga dating Marines sa mga insidenteng iniulat.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, nanawagan na si Matibag kay Atty. Levi Baligod na boluntaryong isumite sa NBI ang affidavit ng mga ex-Marines.