--Ads--
Nagsagawa ng drone attack ang militar ng Iran laban sa dalawang base militar ng Estados Unidos sa Kuwait bilang tugon sa mga pag-atake ng Amerika sa teritoryo ng Iran.
Sa pahayag ng Iranian military na inilabas sa pamamagitan ng state broadcaster ng bansa, sinabi nitong nagsagawa sila ng malawakang pag-atake gamit ang mga tinatawag na “kamikaze drones” laban sa imbakan ng mga bala ng militar ng US sa Camp Udairi at sa mga Patriot radar system at air surveillance radar sa Ali Al Salem Air Base sa Kuwait.
Ayon sa Iran, isinagawa ang operasyon bilang ganti sa mga pag-atake ng Estados Unidos sa kanilang teritoryo.











