--Ads--

Dinakip ng mga otoridad ang isang magsasaka na residente ng Nambaran Tabuk City, Kalinga kasama ang isa pang lalaki na residente ng Tulgao West Tinglayan Kalinga sa ikinasang Buy-bust operation ng PNP sa Bulanao Tabuk City Kalinga matapos magbenta ang mga ito sa operatibang nagpanggap na buyer.


Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 6 na bricks ng hinihinalang marijuana na tinatayang nasa 6 na kilo, 1 piraso ng large, heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu, 1 piraso ng small, heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu, 1 piraso ng small plastic heat sealed na may residue ng hinihinalang shabu, 1 genuine thousand pesos bill at 29 piraso ng tig-isang libong piso na ginamit bilang boodle money, kasama pa ang motorsiklo na ginamit ng mga suspek.


Ang imbentaryo ay naganap sa harapan ng suspek, kawani ng DOJ, media representative at Kagawad ng Barangay Bulanao Tabuk City Kalinga.

Ang mga suspek at nakalap na ebidensya ay dinala na sa Kalinga Police Provincial Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

--Ads--

VIA Dhang Cortel Chico