--Ads--
Dalawa pang oil tanker na may kargang krudo ang nakalabas sa Strait of Hormuz habang naka-off ang tracking systems upang maiwasan ang posibleng pag-atake ng Iran, ayon sa shipping data.
Isa sa mga tanker ay may dalang 2 milyong bariles ng Abu Dhabi crude, habang ang isa pa ay may kargang Iraqi crude.
Ipinapakita nito ang lumalaking hakbang ng mga oil exporters sa Gitnang Silangan upang mapanatili ang suplay ng langis sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.











