--Ads--

Ipinagpaliban na ang 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326.

Sa ilalim ng bagong batas, itinakda sa limang taon ang termino ng mga incumbent barangay at SK officials at inilipat sa Nobyembre 13, 2028 ang susunod na regular na BSKE.

Ayon kay Marcos, dapat gamitin ng mga opisyal ang dagdag na panahon upang mapahusay ang serbisyo publiko, tapusin ang mga kasalukuyang programa at tugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad, pamilya at kabataan.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi dapat ituring na dagdag na panahon lamang sa puwesto ang pagpapalawig ng termino, kundi dagdag na panahon para gampanan ang pananagutan sa taumbayan.

--Ads--

Nauna nang itinakda ng Republic Act No. 12232 ang BSKE para sa Nobyembre 2026, ngunit pinalitan ito ng bagong batas na nagtakda ng susunod na regular na halalan sa 2028.