--Ads--

Magpapatuloy sa susunod na linggo ang paghahain ng certificates of candidacy o COC para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa Nobyembre 2, ayon sa Commission on Elections o Comelec.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakatakdang magsimula ang filing of COCs sa Setyembre 28 at magpapatuloy hanggang Oktubre 5, batay sa calendar of activities ng BSKE 2026.

Sinabi ni Garcia na patuloy ang paghahanda ng Comelec dahil sa ilalim ng umiiral na batas, Nobyembre 2 ang itinakdang araw ng halalan.

Gayunman, kung maisasabatas at mapipirmahan ang panukalang pagpapaliban sa BSKE, agad na ititigil ng Comelec ang lahat ng aktibidad, kabilang ang paghahain ng COC.

--Ads--

Binigyang-diin ni Garcia na sa ngayon ay tuloy ang BSKE dahil wala pang batas na nagpapaliban dito.