--Ads--

Isang 21-anyos na babae sa U.K., ang naging pinakabata at kauna-unahang babae na mag-isang nakatawid sa Atlantic Ocean sakay ng maliit na bangka.

Naglakbay si Zara Lachlan sakay ng bangka ang 4,366 miles mula Lagos, Portugal patungong Cayenne, French Guiana. Tumagal ang kanyang paglalakbay ng 97 araw.

Dahil dito, nakapagtala si Lachlan ng tatlong prestihiyosong Guinness World Records titles: First female to row across the Atlantic from Europe to South America (mainland to mainland), youngest person to row solo across the Atlantic from Europe to South America, at youngest person to row any ocean solo (female).

Bukod sa matinding pagod at puyat, kinailangan niyang magsagwan ng halos 17 oras kada araw at nagpapahinga lamang siya ng saglit na hindi aabot ng 90 minuto kada tulog.

--Ads--

Ayon kay Lachlan, inakala niyang matatakot siya sa gitna ng karagatan, pero mas naging masaya at kapana-panabik ang karanasan para sa kanya. Ayon pa sa kanya, mahirap ang biyahe pero kinaya niya dahil bata pa siya at sanay sa matinding pagsubok.

Ngayon, nagsilbi siyang inspirasyon sa marami na kahit nakakatakot at imposible, kaya pa ring maabot ang pangarap basta’t may determinasyon.