
CAUAYAN CITY – Umabot na sa 25 barangay sa Santiago City ang naideklarang drug cleared.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt.Col. Alberto Calimag, Deputy City Director for Operations ng Santiago City Police Office (SCPO) na naidagdag sa mga drug cleared barangay sa lunsod ang General Malvar.
Tatlong barangay naman mula sa natitirang 12 barangay ang posible pang maideklarang Drug Cleared na kinabibilangan ng mga barangay ng Patul, Rizal at Rosario.
Inamin naman ng pamunuan ng SCPO na nahihirapan sila sa Drug Clearing ng mga natitirang barangay dahil sa mga Inter-Agency Drug Information Database List.
Hiningi ng otoridad ang tulong ng mga mamamayan sa kampanya kontra iligal na droga upang tuluyang malinis sa iligal na droga ang Lunsod ng Santiago.










