--Ads--

Inanunsyo ng IRGC ng Iran na na-coordinate nila ang pagdaan ng 26 na barko sa Strait of Hormuz sa loob ng nakalipas na 24 oras, habang nananatiling nakapako ang usapan ng US at Iran hinggil sa pagbubukas ng ruta sa naturang mahalagang daanan sa dagat.

Sinabi rin ng Iran na may itinalagang kontroladong maritime zone sa Hormuz na hindi maaaring daanan nang walang pahintulot, na lalong nagpapataas ng tensyon sa rehiyon.

Bago ang krisis, humigit-kumulang 20 porsyento ng pandaigdigang suplay ng enerhiya ang dumadaan sa Strait of Hormuz, ngunit naapektuhan ito ng sigalot sa Gitnang Silangan matapos ang digmaan ng US at Israel laban sa Iran.

Nagbabala rin ang UN Food and Agriculture Organization na maaaring humantong ang blockade sa isang malawakang krisis sa presyo ng pagkain sa buong mundo sa loob ng susunod na 6 hanggang 12 buwan.

--Ads--