--Ads--

Arestado ang isang 29-anyos na lalaki matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagsilbing poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Rizal East, San Isidro, Isabela, dakong alas-7 ng gabi noong Agosto 20, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Rony,” walang asawa at walang trabaho, na residente ng nasabing barangay. Isinagawa ang operasyon ng San Isidro Municipal Police Station, katuwang ang PDEA Regional Office 2.

Nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang 0.31 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,108 batay sa standard drug price. Nakuha rin ang dalawang tig-₱1,000 na marked money, cellphone, susi ng motorsiklo, isang kaha ng sigarilyo, lighter at isang Rusi motorcycle.

Nasa kustodiya na ng San Isidro MPS ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--