--Ads--

Matagumpay na na-rescue ng mga awtoridad ang tatlong menor de edad na naghike sa bundok na nasasakupan ng Samoki, Bontoc, Mountain Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Peter Apangcay, tagapagsalita ng Mountain Province Police Provincial Office, sinabi niya na nagkayayaan ang tatlong magkakaibigan na umakyat nang bundok subalit nang makarating ang sila ay itaas ay nag-alangan nang bumaba ang mga ito dahil hindi nila kabisado ang daan.

Mayroon kasing naitalang sunog sa naturang bundok kaya naman madulas ang daan at walang kakapitan ang mga ito sa pagbaba.

Dahil dito ay tumawag sa himpilan ng Pulisya ang isa sa mga menor de edad upang humingi ng saklolo na agad namang nirespondehan ng mga awtoridad at inalalayan pababa ng bundok.

--Ads--

Samantala, hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring ilang bahagi ng bundok ang nasusunog kaya naman magkakaroon ng pagpupulong ang mga concerned agencies upang talakayin ang naturang usapin lalo’t mayroon nang napaulat na mga water sources na naapektuhan ng naturang sunog.