--Ads--
Apat ang nasawi at 22 ang nasugatan matapos hagupitin ng Typhoon Dujuan ang ilang bahagi ng Japan, kabilang ang mga lugar malapit sa Tokyo.
Tatlo sa mga nasawi ay mula sa Chiba at isa sa Kanagawa. Patuloy naman ang search and rescue operations para sa anim na nawawala matapos magdulot ng landslides ang malakas na ulan.
Mahigit 45,000 kabahayan sa Chiba ang nawalan ng kuryente, habang mahigit 460 bahay ang napinsala. Naitala rin ang record rainfall sa ilang lugar, kabilang ang Oshima na nakapagtala ng 832 millimeters ng ulan sa loob ng 48 oras.
Samantala, naapektuhan din ng bagyo ang mga aktibidad sa Japan, kabilang ang Tokyo Game Show na maagang isinara at ilang flight na kinansela.
--Ads--










