--Ads--

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pawang ligtas ang 40 tripulanteng Pinoy na lulan ng isang barko na nakabanggaan ng isang Chinese fishing vessel sa Singapore Strait.

Batay sa ulat, ­Setyembre 17 nang makabanggaan ng Panama-flagged bulk carrier na First Margaux ang fishing vessel ng China. Ang insidente ay nakuhanan pa sa isang video, na nag-viral at kung saan maririnig ang ilang tripulante na nagsasalita sa wikang Ilokano.

Siniguro naman ni DMW Secretary Hans Cacdac na walang Pinoy na iniulat na nasaktan sa naturang insidente. “There have been no reports of any injury of the 40 Filipino seafarers on board,” aniya pa.

Sa ngayon ay natukoy na nila ang mga pangalan ng mga tripulante ngunit nangangalap pa rin aniya sila ng karagdagang impormasyon sa pangyayari mula sa lisensiyadong manning agency nito.

--Ads--