--Ads--

Mahigit 450 atleta ang kakatawan sa Pilipinas sa 38 sports sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan, mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Target ng Team Philippines na malampasan ang apat na gintong medalya, dalawang pilak at 12 tansong medalya na nakuha noong 2023 Asian Games sa Hangzhou.

Kabilang sa mga inaasahang mag-uuwi ng ginto sina Alex Eala sa tennis, EJ Obiena sa pole vault, Carlos Yulo sa gymnastics, Nesthy Petecio sa boxing at Annie Ramirez sa jiu-jitsu.

Umaasa rin sa gintong medalya ang Gilas Pilipinas sa basketball, habang si Chino Sy naman ang tinuturing na dark horse sa judo.

--Ads--