CAUAYAN CITY – Pinasok ng mga kasapi ng 5th Infantry Division Philippine Army ang mga tinaguriang “geographically isolated disadvantages area at conflict affected area sa kanilang nasasakupan upang makapaghatid ng tulong.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sgt. Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army na sa pangunguna ni Brig. Gen. Laurence Mina katuwang ang Philippine Airforce ay matagumpay silang nakapaghatid ng Family food Packs sa 558 pamilya sa Sitio Lagoon, Lipatan, Santo Niño, Cagayan.
Nakapaghatid din ang tropa ng Pamahalaan ng ayuda sa 558 pamilya sa Fugu island, Aparri, Cagayan.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng seguridad ng mga kasapi ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army sa mga kawani ng DSWD na nagtututngo sa mga liblib na barangay sa lalawigan ng Isabela upang mamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.
Namahagi naman ng 150 meal allowance ang mga kasapi ng 95th Infantry Batallion sa 600 pamilyang naapektuhan ng Community Quarantine sa San Mariano Isabela.











