--Ads--
Anim na indibidwal ang inaresto sa iba’t ibang bahagi ng bansa matapos umanong mag-alok ng hindi awtorisadong dental services sa online platforms.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon sa buwan ng Abril na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Kabilang sa mga nahuli ang dalawang babae na edad 36 at 24, at isang 32-anyos na lalaki sa Ormoc City noong Abril 7 at 11. Nadakip din ang isang 35-anyos na lalaki sa Virac noong Abril 7, gayundin ang 21-anyos na babae sa Iloilo at 22-anyos na lalaki sa Zamboanga City noong Abril 10.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 at Cybercrime Prevention Act of 2012.
--Ads--











