--Ads--
Nasa anim na Palestino ang nasawi habang hindi bababa sa 12 iba pa ang nasugatan, kabilang ang mga bata, matapos ang isang pag-atake ng Israel sa isang tent camp sa Gaza City.
Ayon sa mga ulat, naganap ang pag-atake sa isang pansamantalang kampo na tinitirhan ng mga lumikas na sibilyan sa lugar.
Mariing kinondena ng Hamas ang insidente at tinawag itong “pagmasaker sa mga kababaihan at bata.” Ayon sa kanila, ang naturang pag-atake ay naglalayong guluhin ang isinasagawang usapang may kaugnayan sa ceasefire sa Cairo.
Patuloy namang inaalam ang iba pang detalye ng insidente habang nananatiling tensyonado ang sitwasyon sa Gaza.
--Ads--










