Nakapagsagawa ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) ng anim na anti-drug operations mula Agosto 7 hanggang 13, 2026 na nagresulta sa pagkakaaresto ng pitong indibidwal at pagkakakumpiska ng 1.975 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱13,430.
Sa kampanya laban sa loose firearms, isang indibidwal ang naaresto at isang baril ang nakumpiska sa 16 na operasyon. Pitong baril din ang naideposito sa ilalim ng Oplan Katok habang walong iba pa ang boluntaryong isinuko.
Naaresto rin ang 33 wanted persons, kabilang ang tatlong most wanted persons, sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya.
Samantala, apat na indibidwal ang naaresto sa ilegal na sugal at dalawa naman sa paglabag sa Forestry Code, kung saan nakumpiska ang 558 board feet ng forest products na nagkakahalaga ng ₱29,300.
Sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, umabot sa 5,891 indibidwal ang nahuli. Sa bilang na ito, 3,756 ang pinagmulta habang 2,135 ang binalaan at pinalaya, na nagresulta sa mahigit ₱2.1 milyong nakolektang multa.











