--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang 7 katao kabilang ang 5 menor de edad sa karambola ng tatlong sasakyan sa intersection ng Bypass Road na bahagi ng Sta. Cruz, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Rosalyn Malillin, Deputy Chief of Police ng Alicia Police Station, sinabi niya na binabaybay ng MUX ang naturang bypass road patungong Timog na direksyon habang binabagtas naman ng Van ang kabilang bahagi ng daan sa kanlurang direksyon patungong Poblacion, Alicia.

Nang makarating ang mga sangkot na sasakyan sa interseksyon ay bumangga ang MUX sa Van at sa lakas ng impact ay nadamay naman ang isa pang SUV na nooy nasa intersekyon din na patungong silangang direkyon sa bayan ng Angadanan.

Nasugatan ang mga lulan ng Van kabilang ang 5 menor de edad na ngayo’y nagpapagaling na sa pagamutan.

--Ads--

Nagkaroon naman na ng inisyal na pag-uusap ang mga sangkot na tsuper at napagkasuduan na unahin na muna ang pagpapagamot sa mga biktima bago pag-usapan ang gagawing disposisyon.

Pinauwi naman na umano ang mga sangkot na tsuper habang ang kanilang mga sasakyan ay nakahimpil sa Alicia Police Station.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kapulisan hinggil sa insidente.