--Ads--

Arestado ang isang 73-anyos na lalaki matapos ipatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya sa Barangay Turayong, Cauayan City, Isabela.

Batay sa ulat ng Cauayan City Police Station, naganap ang pag-aresto bandang alas-onse ng umaga sa nasabing barangay.

Pinangunahan ang operasyon ng mga operatiba ng Cauayan Component City Police Station, sa pakikipagtulungan ng iba pang yunit ng pulisya sa rehiyon.

Ang 73-anyos na suspek ay may asawa at residente ng Barangay Turayong.

--Ads--

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong Serious Physical Injuries.

Ang naturang warrant of arrest ay inisyu noong January 27, 2026, at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ayon sa pulisya, ipinaliwanag sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang naiintindihan sa oras ng kanyang pag-aresto.

Gumamit din ng body-worn cameras ang mga operatiba upang matiyak na maayos at naaayon sa umiiral na batas ang pagpapatupad ng warrant of arrest.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon bago ito iharap sa hukuman.