Inanunsyo ng Iranian Army na walong tauhan nito ang nasawi sa isinagawang pag-atake ng militar ng Estados Unidos sa katimugang bahagi ng Iran.
Ayon sa pahayag ng Iran Military, kabilang sa mga nasawi ang mga miyembro ng Air Force at Navy na umano’y nasugatan at napatay habang ipinagtatanggol ang bansa matapos tamaan ng mga projectile ang mga posisyon sa Bandar Abbas at Bushehr sa isinagawang pag-atake ng U.S. nitong madaling araw ng Miyerkules.
Sinabi rin ng Iranian Army na nagsagawa ang militar ng Estados Unidos ng mga airstrike sa ilang lugar sa mga lalawigan ng Hormozgan, Bushehr, at Khuzestan.
Kasunod ng naturang pag-atake, naglunsad umano ng magkasanib na missile at drone operation ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) at Iranian Army laban sa 85 base militar ng Estados Unidos sa Bahrain at Kuwait.











