--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip at nakakulong na ang isang magsasaka na bumugbog at nangmolestiya sa isang 83-anyos na lola na kanyang kapitbahay sa Casala, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaster Sgt Rogelio Ignacio Jr., investigator ng San Mariano Police Station na tumawag sa kanila si Barangay Kapitan Gilbert Tappa ng Casala para ireport ang pananakit sa biktima.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon na dakong alauna ng madaling araw ay nagising ang lola matapos maramdaman na may humawak sa kanyang katawan.

Nakita niya ang suspek na kanilang kapitbahay at bigla siyang sinakal kaya kinagat niya ang kamay ng suspek.

--Ads--

Kinaladkad ng suspek ang matanda at iniuntog ang ulo sa dingding ng bahay at pinagsusuntok sa mukha.

Nang manghina ang lola ay ipinasok umano ng suspek ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Ayon kay Police Master Sgt. Ignacio, kasama ng lola sa kanyang bahay ang anak na may kapansanan sa pag-iisip na nakakulong sa loob ng bahay dahil nananakit kapag nakakawala.

Lumabas sa medical examination ng San Mariano Community Hospital na ang suspek ay positibo sa alcolohic breath test.

Depensa ng suspek na nablangko siya dahil sa kalasingan at para umano siyang nasasaniban nang gawin ang pananakit sa biktima.