CAUAYAN CITY – Pinaglalamayan na sa kanilang tahanan sa Balagan, San Mariano, Isabela ang bangkay ni Analiza Laman Cagurangan, ang OFW na nagpakamatay sa Oman.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Albert Dimaano, Marketing officer ng Agency na nagpadala kay analiza na magbibigay ang kanilang kompanya ng tulong pinansiyal sa mga naulilang anak at sa pamilya ni Analiza maliban pa sa tulong na ibibigay ng Overseas Worker Welfare Administration(OWWA) region 2.
Nagulat umano sila nang makita si Analiza na nagbigti gamit ang kumot na itinali nito sa ceiling fan na nasa loob ng kuwarto.
Sinabi naman ni Sangguniang Bayam Member Susan Duca,chairman ng committee on justice and human rigths ng SB San Mariano na mabilis ang pagpapauwi ng bangkay ni Analiza sa bansa dahil agad nakipagtulungan sa kanila ang asawa nito na siyang tatanggap at nilagdaan ang mga dokumento na kinakailangan sa pagpapauwi sa tulong ng DFA, OWWA at DOLE.











