--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy na tinututukan ng pamahaalan ang mga overseas filipino workers sa Gitnang Silangan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello 111 na sa lunes ay ipapadala na ng pamahalaan si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa Saudi Arabia upang bigyang abiso ang mga OFW.

Ipapadala naman si Undersecretary Bernard Olalia sa Lebanon habang si Undersecretary Claro Arellano sa United Arab Emirates.

Kasama ng mga opisyal ang tig-dalawang bumubuo ng Risk Rapid Response Team upang tumulong kapag magkaroon ng paglilikas sa mga OFWs ngunit sa ngayon ay wala pang ipinapatupad na force evacuation sa mga bansa sa middle east.

--Ads--
Tinig ni Labor Sec. Silvestre Bello III

Samantala, Inihayag pa ni Labor Secretary Bello na dumalo siya kaninang umaga sa pagpupulong na ni DND Secretary Delfin Lorenzana na dinaluhan din nina Foreign Affairs, Secretary Teodoro Locsin, DILG Secretary Eduardo Año at DOTr Secretary Arthur Tugade upang pag-usapan ang mga hakbang na gagawin kapag kinakailangang ilikas ang mga OFW sa Middle East.