--Ads--

CAUAYAN CITY – Labing anim na araw nang nawawala ang isang binata matapos siyang sapilitang dukutin ng mga armadong lalaki noong ikadalawampu ng Nobyembre sa Brgy. District 2.

Ang biktima ay si Jaymar Marcos Calucag, labing walong taong gulang, residente ng Purok 6, Cabaruan Cauayan City.

Papunta ang biktima sa Prosecutors Office kasama ang kanyang ina, step father at ang kanyang tiyahin nang sila ay harangin ng mga armadong lalaki sa harap ng tanggapan ng Water District at siya ay sapilitang dukutin.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Arcenia Calucag, sinabi niya na umaasa pa rin siyang babalik ng buhay ang kanyang nawawalang anak.

--Ads--

Aniya nag ikot sila sa mga baryo sa lunsod upang hanapin si Jaymar ngunit kahit isang senyales ay wala silang nakita kung nasaan ito.

Aniya kalabing limang na araw nang nawawala ang kanyang anak at hindi alam ni Ginang Calucag alam kung ano nang nangyari sa kanya.

Mas tanggap pa umano niya kung pinatay ang kanyang anak at makita niya ang bangkay nito.

Aniya sa bawat pagtulog niya ay naaalala niya ang nangyari noong gabing dinukot ang kanyang anak na wala silang nagawa para mailigtas ito.

Giit ni Ginang Calucag, kung nagkasala man ang kanyang anak ay may batas namang uusig sa kanya at walang karapatan ang ibang tao na hahatol sa kung ano mang kasalanang nagawa niya.

Malaki pa rin naman ang pag asa ng pamilya ng biktima na makakabalik pa rin ito ng buhay upang harapin ang problemang kanyang kinasangkutan.

Ayon kay Ginang Calucag, Diyos na lamang umano ang hahatol sa mga taong dumukot sa kanyang anak sakali mang siya ay patay na o hindi na matagpuan pa.

Nanawagan din siya sa Cauayan City Police Station na bilisan ang pag iimbestiga sa nasabing pangyaayari upang matagpuan na ang kanyang nawawalang anak.

Ganito ang bahagi ng pahayag ni Ginang Arcenia Calucag, ang ina ng dinukot na biktima.