--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng livelihood assistance ang higit limampong dating rebelde sa isinagawang Project Subli ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company na ginaganap sa barangay Daragutan West sa bayan ng San Mariano Isabela.

Sa pangunguna ng 1st Isabela PMFC katuwang ang iba pang mga ahensiya ay nakatanggap ng higit pitong daang mga itik ang Daragutan West Agricultural Farmers Association.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLTCOL Jeffrey Raposas ang Force commander ng 1st Isabela PMFC sinabi niya na naging aktibong miyembro at tagasuporta ng New Peoples Army ang mga naging benipersaryo ng egg and duck production ng “Project Subli”.

layunin umano ng nasabing proyekto na mabigyan ng pagkakakitaan ang mga nagbalik loob sa pamahalaan para masolusyunan ang usapin ng kahirapan sa mga ito na siyang nagudyok para umanid sa armadong pakikibaka.

--Ads--

Pagpapahayag pa ni Plt Col. Jeffrey Raposas na ang Project Subli ay nabuo sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ng Company Advisory Council ng 1st IPMFC kung saan na Ang Subli ay iloko term na may ibig sabihin na balik at target ng nasabing programa ay ang mga rebel returnee.

Ang bahagi ng pahayag ni PLTCOL Jeffrey Raposas.

Samanatala sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Efren Abaniares ang presidente ng project subli  sinabi niya na lubos siyang nagpasalamat sa pamahalaan sa kanilang ibinigay na tulong sa kanila.

Aniya  sa dalawampong taong pagiging miyembro niya ng CPP-NPA-NDF at naging chairman ng Danggayan dagiti Mannalon ti San Mariano ay sa wakas, napanatag na ang kanyang kalooban at hindi na kanilang magtago sa kamay ng mga awtoridad

Pagpapahayag pa ni  Ginoong  Efren na malaking tulong sa kanilang organisasyon ang ipinagkaloob na livelihood project ng Pulisya  para sa kanilang pang-araw na pangkabuhayaan.

Panawagan ni Ginoong  Efren sa natitira pang mga kasapi ng NPA na  sumuko na upang mawakasan na Ang armadong pakikibaka.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Efren Abaniares