--Ads--

CAUAYAN CITY – Limang eskwelahan sa lunsod ang napabilang sa expansion ng Limited Face to Face Classes ng DEPED.

Ito ay kinabibilangan ng Villa Flor Elem. School, Cassap Fuera Elem. School, Maligaya Elementary School Annex, De Vera Elem. School at Pinoma National High School.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr. Ang Schools Division Supt. Ng SDO Cauayan Ciy sinabi niya na naghahanda na ang apat na elementary at isang Secondary Schools sa lunsod na napabilang sa expansion ng Limited Face to Face Classes ng DEPED para sa kanilang pagsisimula sa araw ng lunes, ikaanim ng Disyembre.

Aniya maraming paghahanda ang ginawa ng nasabing mga eskwelahan upang makapagsimula na sa Limited Face to Face Classes.

--Ads--

Ilang simulation ang isinagawa ng mga eskwelahan  upang matiyak na ligtas sa Covid 19 ang mga mag aaral at guro sa kanilang pagpasok sa paaralan.

Pangunahin na rito ang social distancing at sistema sa paglabas ng eskwelahan upang maiwasan ang kumpulan sa loob ng eskwelahan.

Ayon kay Dr. Gumaru walang naging negatibong komento ang mga magulang sa pagbabalik sa face to face classes ng kanilang mga anak at lahat sila ay sabikna ring maturuan sila sa loob ng paaralan.

Aniya sa elementary schools na magbubukas ay kinder hanggang grade 3 ang papasok at limitado sa labinlimang estudyante sa bawat klase habang sa high school ay sa grade 11 at 12 lamang at limitado rin sa mga TVL Subjects at dalawamput dalawang estudyante lamang ang papayagang papasok.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Alfredo Gumaru Jr.