--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang mga lugar na nakapagtala ng election related incident sa mga nagdaang halalan sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jane Abigail Bautista, tagapagsalita ng IPPO, sinabi niya na ngayon pa lamang ay nakatutok na ang mga kapulisan sa mga lugar na may nangyaring kaganapan na maiuugnay sa eleksyon katulad na lamang sa Jones, Isabela.

Aniya, nais ng hanay ng Pambansang Pulisya sa Isabela na maging maayos, mapayapa at hindi na maulit ang mga hindi kanais nais na insidente pangunahin na sa nabanggit na lugar.

Bukod sa pagtutok sa mga lugar na matatawag na eleksyon hotspot ay nakatutok din ang mga kapulisan sa mga pulitiko na may kakayahang maghasik ng mga kaguluhan alinsunod sa abiso ng headquarters ng PNP.

--Ads--

Tiniyak din niya na patuloy na magbibigay ng security ang mga kapulisan sa mga request ng mga pulitiko sa mga lugar na target ng kanilang pangangampanya.

Ang bahagi ng pahayag ni PMaj. Jane Abigail Bautista.