--Ads--

CAUAYAN CITY – Nangangamba ang ilang Pilipino sa United Kingdom maging ang mga British citizen sa banta ni Russian President Vladimir Putin matapos magpataw ng economic sanctions si British Prime Minister Boris Johnson.

Kinansela ang lahat ng mga transaction ng Russia sa United Kingdon tulad ng trading, import at export.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Girlie Gonito, human rights Lawyer sa London at founder ng OFW-UK International Friendship Association at tubong Echague, Isabela na suportado ng mga negosyante ang economic sanctions laban sa Russia dahil malaki rin ang epekto sa kanila kapag nagkaroon ng Worl War III dahil sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Atty. Gonito, nangangamba sila na posibleng gantihan ng Russia ang United Kingdom.

--Ads--

Nakakatakot din dahil kumakampi ang China sa Russia.

Kapag nagsanib ng puwersa ang dalawang bansa ay walang mapagpipilian ang European Union kundi lumaban.

Inamin ni Atty. Gonito na natatakot siya ngayon at pinag-iisipang bumalik na sa Pilipinas.

Natatakot sila sa Europe na magkaroon ng matinding giyera dahil sa missile at nuclear weapons ng mga bansa.

Marami aniyang nangangamba sa banta ng Russia at kapag tinotoo ang banta ay tiyak na hindi maiwasang lumaban ang Britanya at iba pang bansa sa Uropa tulad ng France na maaaring pagsimulan ng pangambang digmaang pandaigdig.

Ang mga turistang Ukrianian at negosyante na nasa Britanya ay umaapela ng suporta para sa Ukraine.

Nagdagdag si British Minister Boris Johnson ng extra measures at security at inalarma ang British Police at Army na paigtingin ang pagbabantay sa seguridad. Hindi sanay dito aniya ang mga mamamayan.

Ipinagbawal ang pagpasok sa Britanya ng mga Russian at ang biyahe ng mga eroplano patungong Russia.

Bahagi ng pahayag ni Atty. Girlie Gonito, human rights Lawyer sa London at founder ng OFW-UK International Friendship Association .