--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang Brgy. Kagawad at nasugatan ang walong iba pa kabilang ang isang Kapitan matapos ang naganap na pamamaril sa isang kasalan sa Sitio Flaviano, Brgy Dalena, San Pablo Isabela.

Kinilala ang namatay na biktima na si Girliy Telan, Brgy Kagawad ng Simanu Sur, San Pablo Isabela.

Nasugatan din si Punong Barangay Brixsio Gammaru habang ang pitong iba pa na nasugatan ay inaalam pa ang kanilang pagkakakilanlan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya kasalukuyan ang sayawan sa kasal ng isang kinilalang PCpl Bryan Pattalitan nang maganap ang pamamaril ng hindi pa nakikilalang pinaghihinalaan.

--Ads--

Kasalukuyan umano ang pagsasayaw nina Brgy. Captain Gammaru at iba pang dumalo sa kasal nang biglang pumasok ang pinaghihinalaan sa dancing floor at binaril si Brgy. Captain Gammaru at ipinagpatuloy ang pamamaril kung saan tinamaan ang ilang manonood.

Agad namang dinala ang mga biktima sa Milagros Albano District Hospital upang lapatan ng lunas ngunit idinineklarang dead on arrival ng attending phyician si Brgy. Kagawad Telan at ng suspek sa pamamaril.