--Ads--

CAUAYAN CITY– Kinumpirma ng Department of Public Order and Safety o (DPOS) Santiago City na pangunahing nahuhuling traffic violator ay ang mga motoristang walang drivers license.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Modesto Edwin Cabanos III, Hepe ng DPOS Santiago City ibinahagi nito na marami pa ring lumalabag sa mga batas trapiko at nangungunang nilalabag ng mga motorista ay ang pagmamaneho na walang lisensiya

Sa loob ng isang araw ay 120 hanggang 140 violators ang kanilang naitatala subalit mas mababa naman umano ito kumpara sa mga nahuhuling mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan.

Ayon kay G. Cabanos, mayroon silang talaan para matukoy ang violator kung nasa una, pangalawa o nasa ikatlo paglabag kaya naman hinimok nito ang mga motorista na palaging sumunod sa mga batas trapiko upang maiwasan ang aberya o disgrasya.

--Ads--