
CAUAYAN CITY – Ginanap ang Regional Tourism Assembly sa Lunsod na naglalayong pasiglahin muli ang turismo sa Lambak ng Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, tinalakay sa pulong ang iba’t ibang Accredited Eco-Tourism Farm sa Region 2 kabilang ang Manalo Taguba Eco Farm sa Angadanan, Isabela na kilala sa kakaibang Mansion house na nakatayo sa kanilang Farm.
Kabilang pa rito ang Caranguian Integrated Farm na kilala sa Bamboo Tunnel sa Baculud, Iguig, Cagayan; JLP Farm na kilala bilang Cattle Farm sa DIiffun, Quirino at Courage Integrated Mountain Farm sa Bayombong, Nueva Vizcaya
Isinagawa rin ang Market Product Development Update, Tourism Industry Training Program Updates, Accreditation Standards and Regulations at Tourism’ Statistics.
Inihayag ni Regional Director Fanybeth Domingo na tinukoy ng DOT Region 2 ang mga Eco Tourism Park sa bawat lalawigan sa rehiyon upang mahikayat ang mga mamamayan mula sa ibang Rehiyon na bisitahin ang lambak ng Cagayan.
Umaasa ang DOT region 2 na mas darami pa ang kanilang mabibigyan ng Accreditation sa mga susunod na buwan kapag naisapubliko ang mga Eco Tourism Farm na maging tourist spot at makakapagbigay ng karagdagang trabaho.
Nagtapos ang nasabing pagpupulong sa pagbibigay ng pagkilala sa mga Eco Tourism Farm Owners na nagprisinta sa kagandahan ng kanilang farm.










