--Ads--

CAUAYAN CITY– May naitalaga nang Officer-in-Charge General Manager ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 2.

Matatandaang idinawit sina General Manager David Solomon Siquian at Board Of Director Michael Paguirigan ng dalawang nadakip na pinaghihinalaan sa pagpatay kay Internal Audit Manager Agnes Palce.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan na mula noong nadawit ang pangalan nina Siquian at Paguirigan ay hindi sila pumasok sa kanilang tanggapan hanggang sa kinitil ni Paguirigan ang kanyang buhay.

Habang si GM Siquian ay naghain ngayong araw ng kanyang indefinite leave.

--Ads--

Kahapon bago nagpulong ang mga Board of Directors at legal counsel ay kinausap sila ni Isabela Gov. Rodito Albano.

Mayroon na anyang napili si Gov. Albano na maging Acting General Manager na isa ring Department Manager ng ISELCO 2 at bukas na papasok bilang OIC.

Wala pa namang nag-uusapan na uupo at papalit kay Board Of Director Paguirigan

Samantala, magmula noong naganap ang pagpatay kay Internal Audit Manager Palce ay nag-iwan ito ng trauma sa mga empleyado at mayroon din silang natatanggap na impormasyon na pagsunog sa naturang kooperatiba.

Bagamat hindi matukoy kung saan nagmumula ang bantang panununog ay nagtalaga na sila ng karagdagang guwardiya at mas hinigpitan ang ipinapatupad na seguridad sa naturang tanggapan.